Abante Tonite Interactive

15-20 anyos ka ba? Sali na sa Sexbomb!

230
Good news sa mahihi­lig magsayaw dahil  muling bubukasan ng Sexbomb dancers ang kanilang pintuan sa mga  bagong miyembro na makakasama nila sa kanilang grupo.
Namayagpag ang kasikatan ng Sexbomb noong  90s nang sunod-sunod na na­ging hit ang kanilang mga  original song at dance step gaya ‘Spaghetti Song’, ‘Halukay Ube’, ‘Pik-piri­pik-pik’, ‘Laban o bawi’ at marami pang iba.
Sa grupong ito nakilala at na­ging sikat sina Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, Mia Pangyarihan, Eira Bermudez. Cheche Tolentino at iba pa.
Gananapin ang audition ng SB NewGen Girls Auditions 2019 sa   Enero  26, 2019 at  June 29, 2019 sa  SB NewGen Studio  sa  56 Kamias Road, QC
Pasok dito ang babaeng 15-20 years old,  walang kontrata sa ibang management at willing na mag-training bilang scholar sa dance training.
Magdala ng birth certificate (photocopy), valid ID (SSS/TIN/Drivers/School),  1-minute audition routine at  letter of parental consent  kung  mababa sa 18-anyos.