Abante Tonite Interactive

15-20 araw na lockdown extension nilutang

994

Pinag-aaralan ngayon ng mga eksperto at technical working group na nangangasiwa sa krisis sa coronavirus diseas 2019 ang posibilidad na palawigin pa ng mula 15-20 araw ang ipinatutupad na enhanced community quarantine.

Inihayag ito si Secretary Carlito Galvez Jr.na siyang Chief Implementer ng National Action Plan on COVID-19.

Sa panayam ng DZBB kay Galvez, sinabi nitong masusing pinag-aaralan at tinatalakay ng mga eksperto ang posibleng extension subalit wala pang pinal na desisyon hinggil dito.

Maganda aniya ang epekto ng lockdown dahil pinabagal nito ang pagkalat ng coronavirus kaya lumutang ang posibilidad na extension.

“Maganda po ang nagawa ng lockdown . Nagkaroon kami ng scientific analysis na ini-slowdown ng lockdown ang spread ng virus. So with that, ang nakita po namin isa sa mga malaking possibility na magkaroon tayo ng extension ng 15 days or maybe 20 days para ma-sustain natin na… Sa ngayon po medyo papaakyat pa po, hindi pa nagpa-plateau,”ani Galvez.

Kaya isinali aniya ng gobyerno ang mga eksperto sa pag-aaral dahil ibinabase nila ang mga naging karanasan ng ibang bansa sa lockdown.

“Pinag-aaralan po natin yan, premature pa kung mag-announce tayo ngayon. I- involve po natin dito yung ating scientists at mga doctor na specialists. Titingnan po yung reference model ng ibang bansa. Mahirap na mag-rush tayo ng normalcy and then magla-lockdown na naman tayo. May mga countries na tatlong lockdown, dalawang lockdown kasi pagka-alis nagre-relax, bumabalik ang absurd ng news cases,” dagdag ni Galvez.

Sa ngayon ayon sa kalihim ay pinag-uusapan na nila ang posibleng extension pero ang pinal na desisyon ay magmumula pa rin kay Pangulong Rodrigo Duterte.

” Yun po ang pinag-uusapan sa itaas pero hindi po natin pupuwedeng i-preempt ang desisyon ng ating Presidente,” wika pa ni Galvez.

Nakatutok aniya ngayon ang gobyerno sa Metro Manila, lalo na sa Quezon City at sa Regions 3 at Region 4, dahil ang mga ito ang may naitalang mataas na kaso ng kontamisyon ng COVID-19.(Aileen Taliping/Juliet de Loza-Cudia)

Tonite – Wendys Inhouse Ad