Abante Tonite
Mabilis sa Balita

15-anyos ayaw pautos binoga sa mata

0 332

Isang 15-anyos na binatilyo ang nasawi matapos barilin ng kapitbahay nang tumanggi umanong sumunod sa utos kamakalawa ng gabi.

Nakahinga naman ng malalim ang kaanak ng biktima nang nahuli na ng Pasig Police sa ikinasang follow up operations kamakalawa ng gabi ang suspek na si Anwar Pascan E. Piang alyas Negro, 19, na nalambat ng Pasig City Police sa isang tiangge sa Pasay City.

Ayon kay Police Staff Sergeant Joselito Sedeño, nadakip ang suspek na nagtago sa Pasay City matapos umanong barilin sa mata ang Grade 7 student na si Richard Misa ng Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa ama ng biktima na si Raul Misa, masunurin ang kanyang anak kaya hindi sila naniniwala na hindi sumunod sa utos ng suspek ang bata.

“Kahit anong bagay po, inuutusan, sumusunod po ‘yan,” ayon sa ama ng biktima.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig City Police Criminal Investigation Division habang inihahanda ang kaso laban dito. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.