Abante Tonite
Mabilis sa Balita

15-anyos niluray ng ka-Facebook

0 140

Arestado ang isang lalaki na gumahasa sa isang 15-anyos na dalagitana kanyang nakilala sa Facebook kamakailan sa Pasay City.

Nasa kustodiya ng NBI ang suspek na si Richard Castino, nasa hustong edad, na nadakip ng mga tauhan ng NBI-Anti-Organized and Transnational Crime Division (AOTCD) sa may West Avenue, Project 7, Quezon City noong Mayo 13.

Ayon kay NBI OIC Director Eric Distor, inarkila ng biktima ang suspek noong Mayo 4 para ihatid siya sa bahay ng kanyang kaibigan sa Pasay City makaraang makita sa Facebook na pinarerentahan niya ang kanyang pribadong sasakyan.

Nabatid na ang suspek pa umano ang nag-alok na ipagmaneho ang biktima.

Nitong Mayo 8 ay muling kinuha ng biktima ang serbisyo ng suspek pero sa halip na sa kaniyang bahay

siya dalhin ay idiniretso siya ng suspek sa isang motel sa Pasay City kung saan siya puwersahan umanong hinalay.

Sinampahan ang suspek sa Pasay City Prosecutor’s Office ng mga kasong paglabag sa Article 336 o Acts of Lasciviousness, Article 266 ng Revised Penal Code at RA 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.