Abante Tonite Interactive

15 ASG todas sa engkuwentro

117

Dahil sa patuloy na opensiba ng militar sa teroristang Abu Sayaff Group (ASG) ay isang engkwentro na naman ang nangyari kung saan ay umaabot umano sa 15 miyembro ng ASG ang napatay ng tropa ng gobyerno sa dalawang magkakahiwalay na engkuwentro sa Patikul, Sulu.

Sa report ng Philippine Army-Special Operations Command (PA-SOCOM), ang unang sagupaan ay naganap sa Sitio Tubig Magkawas na sinundan sa Sitio Pangi na kapwa nasa pagitan ng Barangay Langhub at Barangay Bungkaong, Patikul.

 Anim na bangkay ng ASG ang narekober sa pinangyarihan ng insidente habang ang siyam ay binitbit umano ng mga nagsitakas na terorista.