Abante Tonite Interactive

15 bebot binosohan ng 69-anyos para makatulog

948

Sa kulungan bumagsak ang isang 69-anyos­ na lalaki matapos ireklamo ng pamboboso at nagkabit pa ng hidden camera sa pinauupahang dorm sa Sampaloc.

Ayon kay Lolet, isa sa mga tenant, nakita niya ang hidden camera na nakakubli sa likod ng wall clock matapos niyang gumamit ng mobile app.

“Using the app, papatayin ‘yung ilaw tapos makikita na ‘yung pulang ilaw sa cellphone,” ayon kay Lolet, isa sa biktima.

Inireklamo naman ni Lolet ang suspek na si Noe Nodalo sa Manila Police District-Police Station 4 kaya kaagad na hinuli.

Pinuntahan naman ng mga pulis ang bahay at nakita ang VHS player­ at 2 tape kasama ang mga video ng babaeng nakahubad at naliligo sa banyo. Umabot sa 15 babae ang nakita sa video kabilang na si Lolet.

Inamin naman ng suspek na ginagawa niya umano ito bilang libangan at pampatulog.

“Koleksiyon ko ‘yon… Aaminin ko sa inyo, 10-taon na kasi akong walang asawa, pinapanood ko para makatulog,” dagdag ni Nodalo.

Noon lamang umanong Hunyo daw niya sinimulan ang recording pero duda ang pulis dahil VHS pa ang gamit ng suspek. ­(Juliet de Loza-Cudia)