Abante Tonite Interactive

15-buwang speakership ni Cayetano nanganganib

466

Malaki umano ang posibilidad na hindi matapos ni Taguig-Pateros Alan Peter Cayetano ang 15-buwang panunungkulan bilang House Spea-ker kapag ipinagpilitan nitong ipuwesto ang kanyang mga kapanalig na mambabatas sa mga pangunahing komite sa Kamara de Represen-tante.

Ito ang ibinabala ni Prof. Edmund Tayao ng Ataneo School of Government matapos na ianunsyo ni Caye-tano na magtatalaga siya ng Deputy Speaker in-charge internal affairs na ang tungkulin ay halos kapareho ng Majority Floor Leader.

Aniya, bagamat may karapatan si Cayetano na ireorganisa ang chain-of-command ng Kamara de Representante, ang kanyang desisyon na iupo si Mandaluyong City Rep. Neptali ‘Boyet’ Gonzales II bilang Deputy Speaker for Internal Affairs ay magpapahina sa tungkulin ng House Majo-rity Leader na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez.

Isa sa Romualdez sa nangungunang kandidato sa speakership bago pa nabuo ang kasunduan na 1521 term sharing nina Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco. Gayunman mananatili itong Majority Floor Leader sa buong 18th Congress.

Sa ginagawang ito ni Cayetano, sinabi ni Tayao na hindi malayong mawala sa kanya ang speakership dahil sa hindi niya pagtupad sa kasunduan.

Ipinaliwagan nito na si Romualdez ang may pinakamalakas na suporta sa Kamara kumpara kina Velasco at Ca-yetano. “Kung hindi siya tutupad sa agreement, babagsak ang coalition. Pati siya yari,” sabi pa nito. (JC Cahinhinan)