Abante Tonite
Mabilis sa Balita

15 Chinese bistado sa biglang yaman scam

0 73

Ni Nancy Carvajal

Naisalba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 15 Chinese na ikinulong, puwersahang pinagtatrabaho at ginagamit para kumita ang isang online company sa Multinational Village sa Paranaque City.

Nabuking ang iligal na transaksyon nang makatakas ang isa sa mga biktima habang natutulog ang mga kasamahan. Dumiretso ito sa NBI- Criminal Investigation Division na sinamahan ng nobyang Pinay.

Dalawa sa Chinese ay kinilalang sina Chen Hua, Yue Mao at Pinoy na si Chris Lyndon Sering na pawang nadakip sa rescue operation at nakakulong na ngayon sa NBI.

Kwento sa NBI ng isa sa nasagip na biktima na si Yimen Yang, 24, modus umano ng grupo na paastahing mga mayayamang businesswoman ang kanilang bihag.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Through QQ and Wechat, through false pretenses, I introduced myself as to our prospective victims as rich beautiful businesswoman. I tell them that because of my business I became rich and if you want to get rich like me, you have to invest with return of big profit. After the victims had sent their money, we then blocked them so they cannot reach us and moved on to the next victim,’’ lahad ng biktima.

Dagdag nito, hinimok siya at nagoyo ng isa pang Chinese sa online gaming, sa pag-aakalang kikita ng malaki ngunit hindi nito akalaing iligal ang kanilang kalakaran.

“I did not know that their work is illegal, when I found out I tried to leave but they pointed a gun at me and told me I cannot leave, because I might report them to Philippine authorities,’’ dugtong pa ng biktima.

Sinabi pa ng biktima na 13-oras silang pinagtatrabaho at binabantaan pag nagtangka ang mga itong tumakas sa pinagtatrabahuhan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.