Abante Tonite
Mabilis sa Balita

15 diniin sa P637M STL scam

0 587

Ni Nancy Carvajal

Labinlimang dati at kasalukuyang opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang nirekomendang usigin ng Office of the Ombudsman dahil sa pagkalugi ng ahensya ng mahigit P637 milyon mula sa kinita sa Small Town Lottery (STL) noong 2017 at 2018.

Base sa mga opisyal na dokumento, kinasuhan ng `graft and gross misconduct’ sina dating PCSO chair Jorge Corpuz, ex-general manager Alexander Balutan, at ang mga miyembro ng Board of Directors na sina Betty Nantes, Mabel Mamba, Francisco Joaquin, Marlon Balite, Sandra Cam, Jesus Manuel Suntay, Remeliza Gabuyo, Lauro Patiag, Anna Liza Inciong, Merceditas Hinayon, Arnel Casas, Andy Gauran at Edwin Mackay.

Bukod sa graft charge, si Gabuyo na assistant general manager para sa branch operations at head ng STL Monitoring group ay sinampahan din ng mga kasong obstruction of justice at serious dishonesty.

Kinasuhan ang mga akusado matapos ang pag-iimbestiga ng National Bureau of Investigation (NBI) sa utos ng Department of Justice (DOJ) noong July 2019 kasunod ng mga ulat hinggil sa korapsyon at Commission on Audit (COA) report.

SM food to go Banner Ad

Kabilang sa mga NBI findings na humantong sa pagsasampa ng mga kaso laban sa mga akusado ay ang mga sumusunod:

*Paglatag ng bagong implementing rules sa STL noong 2016 na hindi pinaaprubahan kay Pangulong Rodrigo Duterte na siyang may direktang kontrol at superbisyon sa PCSO na naging dahilan ng pagkawala ng daan-daang milyong halaga ng kita.

*Binigyan ng kalayaan ang mga STL operator na mag-imprenta ng sarili nilang tiket na base sa panuntunan ng PCSO ay dapat ang ahenya lamang ang may hawak.

*Dinadagdagan ng mga akusado ang operating fund ng PCSO sa halip na ideklara ang printing cost bilang savings at balik sa charity fund.

*May kabuuang halaga na P637,256,170.00 noong 2017 at 2018 na dapat sana’y mapunta sa charity fund dahil sa pinatigil na pag-imprenta ng STL ticket subalit ginamit ito para pondohan ang operasyon na paglabag sa panuntunan ng PCSO.

Base sa isinampang kaso, itinanggi ni Gabuyo na may bagong 2016 STL IRR. Nabatid na si Gabuyo ang nagrekomenda ng resolusyon kay Balutan at sa mga Board member para ipatigil ang pag-iimprenta ng STL ticket.

Leave A Reply

Your email address will not be published.