Abante Tonite
Mabilis sa Balita

15 iligal na Chinese worker dinakma sa Cavite

0 73

LABINLIMANG mga Chinese na nagtatrabaho bilang warehouse workers sa Cavite ang inaresto ng Bureau of Immigration.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na inaresto ang 15 illegal Chinese sa isang business center sa Barangay Niog II, Bacoor noong Miyerkules, sa tulong ng Police Regional Office 4A (Calabarzon).

“Our operatives saw 15 foreigners working in different warehouses in the area. Upon verification of their documents, it was found that 10 of them had working visas petitioned by a different company,” sinabi ni Morente. “That is a clear violation of immigration laws, hence they will be subjected to deportation proceeding.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinasabing nagtatrabaho ang mga ito bilang office staff o stock managers.

Ang 15 ay sumailalim sa Testing sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) at naka-quarantine sa BI Warden Facility sa Bicutan, Taguig. (Kiko Cueto/Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.