Abante Tonite
Mabilis sa Balita

15 kilong patay na seahorse nasabat sa Neg Occ

0 297

Nasa 15.2 kilong pinatuyong seahorse na nagkakahalaga ng P460,000 ang nakumpiska ng Philippine Coast Guard (PCG)-Negros Occidental sa Banago port kamakalawa.

Ayon sa ulat, inulat ng Philippine National Police-Maritime Group sa PCG ang isang kargamento na naglalaman umano ng mga pinatuyong seahorse patungong Iloilo City.

Sa pre-departure inspection, nadiskubre ang isang parcel na naglalaman ng mga endangered species.

Isang lalaking hindi na pinangalanan ang nag-iwan ng kargamento sa pantalan matapos magbayad para sa lading.

Nadiskubre ring misdeclared ang kargamento na sinabing isang kahon ng mga dried fish.

Ibinigay na ang mga pinatuyong seahorse sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources habang nagpapatuloy ang imbestigasyon upang malaman ang tatanggap at nagpadala ng kargamento. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.