Abante Tonite Interactive

15 kostumer ng Hugot Cafe hinoldap

By
1,058

Mahigit P100,000 halaga ng pera at mga gadget ang natangay sa 15 kustomer matapos pasukin ng apat na holdaper ang isang coffee shop sa Parañaque City kamakalawa nang gabi.

Sa report ng Parañaque Police, dakong alas-8:30 nang gabi nang looban ng apat na lalaki ang Hugot Café na matatagpuan sa Quirino Avenue, Brgy. San Dionisio.

Nasa siyam na lalaki at anim na babae ang dinatnan ng mga suspek sa loob ng café at tinutukan ang mga ito ng baril saka nilimas ang kanilang mga pera at gadget na aabot sa P141,699 ang kabuuang halaga.

Matapos ang pang­hoholdap ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Nagsasagawa ngayon ng follow-up operation ang mga pulis sa Parañaque para madakip ang mga suspek at inaalam na rin kung may CCTV camera ang café para matukoy ang apat na holdaper.