Abante Tonite Interactive

15% mas malaki ang utak ng mga babae kumpara sa lalaki

63

Mas malaki ng 15% ang utak ng mga babae kumpara sa mga lalaki.

***

Dalawang uri lang ng mani ang nabanggit sa Bibliya, ito ay ang Almonds at Pistachios.

***

Ang pinakamahabang salita sa Oxford dictio­nary ay “pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis,” ito’y binubuo ng 45 letra na isang uri ng sakit sa baga na nakukuha kapag nakasinghot ng silica, isang kemikal na ibinubuga ng bulkan.

***

Alam n’yo bang ang orgasm ng baboy ay tumatagal ng tatlumpung minuto

***

Ang utak ni Albert Einstein ay naka-preserve pa rin hanggang ngayon.

***

Ang pakpak ng lamok ay gumagalaw ng isang libong ulit kada isang segundo.

***

Ang librong ito ang itinuturing na best seller at pinakamaraming beses na itinatakas ng walang bayad sa mga bookstore, ito ay ang BIBLIYA.

***

Related Posts

Sa ‘Verde Island passage’ sa Batangas makikita ang pinakamaraming underwater species at tinaguriang ‘Center of the Center’ ng worlds marine biodiversity.

***

Mas mabilis mamatay ang isang taong walang tulog kaysa sa taong gutom. Ayon sa mga eksperto, mamamatay ang taong walang tulog ng 10 araw samantalang mahigit sa dalawang linggo ang kayang itagal ng buhay ng taong gutom.

***

Gumagalaw ng 5 mil­yong beses kada taon ang RIBS ng isang tao kapag humihinga.

***

Ang pagmamaneho ng taxi ang itinuturing na pinaka-delikadong trabaho sa Amerika.

***

Ang pinakamataas na FALLS sa buong mundo­ ay ang Angel Falls na may taas na 3,212 ft. at matatagpuan sa Venezue­la.

***

Ang unang bisikleta ay nilikha ni Baron von Drais noong 1817 at ito’y walang pedal.

***

Ang blue whale ang itinuturing na pinakamalaking hayop sa buong daigdig. Ang puso nito ay kasing laki ng isang kotse at ang dila ay halos kasing haba ng isang elepante.

***

Hindi nagkakasakit ang mga pating dahil ang mga tissue nila ay mayroong anti-coagulant at anti-bacterial na masusing pinag-aaralan ng mga siyentipiko upang magamit na panggamot sa mga sakit ng tao. Kaya ring manganak ng isang babaeng pating ang walang kontak sa lala­king pating na tinatawag nilang parthenogenesis.