Abante Tonite
Mabilis sa Balita

15 nadale sa bumaliktad na pick up

0 90

MALUBHANG nasugatan ang 15 katao matapos bumaligtad ang sinasakyan nilang pick-up truck nang maaksidente sa Sta. Barbara, Pangasinan noong Martes.

Ayon kay Sta. Barbara Municipal Police Station (SBMPS) police commander P/Maj. Angelo Camuyot, lumalabas sa imbestigasyon na self-accident ang sanhi ng insidente.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Camuyot base ba rin sa kuha ng CCTV, mabilis umano ang takbo ng pick-up at nag-overtake sa isang sasakyan. Dahil may kasalubong, agad kinabig ng driver ang manibela kaya nawalan ito ng balanse.

Tumaob at bumaligtad ang nasabing sasakyan at tumilapon ng ilang metro ang mga biktima.

Karamihan sa sakay ay mga construction worker na galing ng Mangaldan, Pangasinan. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.