Abante Tonite
Mabilis sa Balita

15 nawalang mangingisda nakauwi na sa Pangasinan

0 94

Nakabalik na sa kanilang tahanan sa Infanta, Pangasinan ang 15 mangingisda na sinagip sa West Philippine Sea.

Sa pahayag ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Lunes ay nakauwi na sa kanilang bayan ang mga sinagip na mangingisa, “Pagkarating ng PCG National Headquarters, Port Area, Manila, isinailalim sila sa health and safety protocol bago tuluyang isinakay sa isang PCG land vehicle na naghatid sa kanila sa Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) sa Infanta, Pangasinan kahapon, ika-12 ng Oktubre 2020.”

Natagpuan ang mga mangingisda na nakakapit sa bahagi ng tumaob nilang bangka na F/B Aqua Princess sa bahagi ng bayan ng Agno.

Ang Panama-flagged carrier na M/V Kumano Maru ang nakakita sa mga mangingisda at nakipag-ugnayan sa PCG.

Leave A Reply

Your email address will not be published.