Abante Tonite
Mabilis sa Balita

15 pamilya nasunugan ng bahay sa Baseco

0 79

Nasa 15 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos na sumiklab ang sunog sa Baseco Compound sa Port Area, Manila kahapon ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog dakong alas-nuwebe ng umaga na umabot sa unang alarma at idineklarang fireout ganap na alas-9:41 ng umaga.

Nagsimula umano ang sunog sa dalawang palapag na bahay ng isang Ria Pelandiana sa Block 1, Aplaya, Baseco Compound.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na 15 istraktura ang nadamay.

Wala naman iniulat na nasawi o nasugatan sa insidente.

Patuloy pang inaalam ng mga bumbero ang sanhi ng sunog. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.