Abante Tonite Interactive

15 pamilya nasunugan sa QC

By
0 108

Naabo ang nasa walong kabahayan sa Sandigan Quezon City, Linggo nang umaga.

Sa inisyal na report ni Chief Insp. Joseph Del Mundo, chief ope­rations ng Quezon City Bureau of Fire and Protection (BFP), nagsimu­la ang sunog dakong ala-1:50 nang hapon sa BF Road malapit sa Sandiganbayan, Commonwealth Avenue na sakop ng Brgy. Holy Spirit sa nasabing lungsod.

Aniya, umabot sa ikalawang alarma ang sunog na hinihinalang nagsimula sa tahanan ng isang nakilalang Nilo Brutal at mabilis­ na kumalat sa mga katabing kabahayan, kung saan tinatayang 15 pamilya ang nawalan ng tahanan.

Dakong alas-2:21 ng hapon nang maapula ang apoy. Wala namang iniulat na nasawi at nasugatan sa naturang sunog. Inaalam pa ng mga imbestigador ang sanhi ng pagsiklab ng apoy.

Magugunitang noong Sabado lamang ay 240 pamilya ang nawalan din ng taha­nan sa sunog sa Brgy. Bagong Pag-asa, sa Quezon City.