Abante Tonite
Mabilis sa Balita

15 sa Boracay tinamaan ng COVID

0 83

Naitala sa isla ng Boracay ang pinakamataas na bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa loob ng isang araw matapos makumpirma na lima sa mga empleyado ng isang hotel ang tinamaan ng virus.

Sambit ni Dr. Cornelio Cuatchon Jr. ng Provincial Health Office (PHO) – Aklan, bahagi ito ng isinasagawa nilang 2-araw na mass testing sa naturang isla. Aniya, mahigit 400 na ang sumailalim sa swab test.

Lumabas ang mga resulta kahapon at lumitaw na 15 katao ang nagpositibo sa COVID-19.

Kaugnay nito, pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng hotel na pinagtatrabahuhan ng mga COVID positive.

Nagkasa na rin sila ng contact tracing at pag-ulit ng swab test. (VAPA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.