Abante Tonite
Mabilis sa Balita

15 sabungero, hinawla

0 103

Labinlimang kalalakihan ang binitbit ng Cavite Police habang agad na nagpulasan ang iba pang mananaya sa isinasagawang operasyon kontra tupada sa Naic, Cavite.

Kinilala ang inarestong sina Estilito Regalado, Jyann Merlan, Ariel Poblete, Lesther Papa, Eduardo Ronquillo Jr., Denmark Sisracon, Enrico Caisip, Francis Caina, Ludigario Asombra, Samonte Pipit, Bienvenido Cruzat, Rowell Vergel Eroles, Sonny Perolino at di na pinangalanang 2 minor.

Sa ulat ni Corporal Franz Zorilla, ng Naic Municipal Police Station, ika-12:30 kamakalawa ang hapon nang isagawa ang anti-illegal gambling operations ng OPD-SOG at Naic MPS sa Poblete compound, Brgy Makina, Naic, Cavite.

Narekober sa operasyon ang 2 pirasong tari, isang patay na panabong, 5 buhay na panabong at P3,300 na pusta. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.