Abante Tonite Interactive

15 talampakang sawa nahuli sa condo sa QC

By
22

Pinagkaguluhan ng mga residente ng Brgy Talipapa sa Quezon City ang isang sawa na nahuli nila Huwebes nang madaling araw.

Nasa labinglimang talampakan ang haba at gahita ang laki ng ahas!

Kwento ng mga opisyal ng barangay, natagpuan ng mga gwardya’t tenant ng isang condominiun sa lugar ang ahas sa kanilang basement parking.

“Nasa pinaka-tiles eh. Dun nalang nila nakitang gumagapang. Tumawag sa amin ang gwardya at humingi ng tulong,” ani Renato Enriquez, Ex-O ng barangay.

Sa laki ng sawa, labindalawang tao ang nagtulung-tulong para hulihin ito!

Agad itong tinalian at ipinasok sa isang lalagyan.

“Mahirap po kasi madulas. Pinilit namin kasi delikado yan. Pwede nang mag-ano ng bata, makapatay ng tao,” sabi ni Enriquez.

Ito na ang ikatlo at pinakamalaking sawa na nahuli sa Brgy Talipapa ngayong taon.
Itinurn-over na ng barangay sa Protected Areas and Wildlife Bureau ang nasabing hayop.