Abante Tonite
Mabilis sa Balita

15 tatay bumukol ari sa turok

0 850

Lalong lumaki ang problema ng 15 lalaki sa Malabon matapos magturok ng petroleum jelly sa kanilang ari upang mapalaki ito.

Paggawa ng lambat umano ang pinagkakakitaan nitong mga tatay, at isang kapitan ng bangka ang nakaimpluwensya sa kanila noong 2018 na magturok ng pinainitang petroleum jelly upang magkaroon ng malalaking ari.

Tinagurian pa nga silang ‘Big 15’ sa kanilang lugar dahil dito.

Bagama’t nagresulta nga sa paglaki ng kanilang ari ang petroleum jelly, kinalaunan ay nadulot ito ng pangangati, pagkirot, pamamaga at pagkakaroon ng bukol.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Laking pagsisisi ang nararamdaman ng mga mister, lalo na’t maaaring abutin ng P100,000 ang magagastos kung ipapatanggal nila ang petroleum jelly. Samantala, nagreklamo ang mga misis dahil nasasaktan at nahihirapan na sila kapag makikipag-sex.

“Masakit po kasi lumalaki po talaga siya tapos nilalagyan lang po ng lotion para talaga magkasya lang po,” sabi ng isang misis, ayon sa “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

“Ayaw ko talaga dahil masakit sa ari ‘yong pinalagay niyang jelly. Kung kailan na hindi na kami nagkaanak saka pa siya nagpalagay ng ganon,” sambit ng isa pa. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.