Abante Tonite
Mabilis sa Balita

150 aso binendisyunan sa drive-thru ng SM Taytay

0 90

Higit sa 150 fur baby ang binasbasan habang nasa loob ng kani-kanilang kotse bago ang World Animal Day.

Sa report ay binendisyunan ni Rev. Fr. Mario Operario ang higit 150 aso at kanilang mga amo sa drive-thru ng SM City Taytay sa Rizal kamakalawa, Oktubre 3.

Ito ang unang drive-thru pet blessing activity ng nasabing mall kung saan ginawa ito bilang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19.

Tuwing Oktubre 4, pinagdiriwang ang World Animal Day at ang Feast of Saint Francis of Assisi, na siyang patron saint ng mga hayop at ng kapaligiran. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.