Abante Tonite
Mabilis sa Balita

150 barong-barong sa gilid ng riles giniba

0 499

Tuloy-tuloy hanggang sa susunod na dalawang taon ang demolisyon ng mga illegal settlement sa gilid ng mga riles ng Philippine National Railways (PNR).

Ito’y para bigyang-daan ang konstruksyon ng North-South commuter railway mula Calamba, Laguna hanggang Capas, Tarlac, at upang maiwasan na rin ang mga aksidente.

Sa radio interview kay PNR General Manager Junn Magno, giniba na ng mga tauhan ng PNR noong Huwebes ang nasa 150 barong-barong malapit sa riles sa Barangay Dos sa Cabuyao City, Laguna.

Ani Magno, makakatanggap ng tulong ang mga naapektuhan ng demolisyon. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.