Abante Tonite Interactive

150 doktor, staff ng Medical City naka-quarantine

520

Kasalukuyang naka-quarantine diumano ang 150 doktor at mga staff ng isang ospital sa business district ng Pasig City na nakasalamuha ng mga pasyenteng may coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa panayam ng himpilang DZMM, sinabi ni Dr. Eugenio Ramos, president at chief executive officer ng The Medical City, noong Huwebes nasa 140 na dooktor at mga staff nila ang naka-quarantine subalit umabot na ang bilang ng mga ito sa 15 nitong Biyernes.

Nagpahayag na rin ng pangamba si Ramos dahil sa lumalaking bilang anya ng kanilang mga doktor at staff na nagkaroon ng exposure sa mga pasyente nilang may COVID-19 dahil ang ilan sa mga ito ay naka-respirator na.

“Alam mo ‘yong challenge is not like ‘yong number lang, ang exposure ng mga doctor at ang bilis ng kalat [ng virus],” ani Ramos.

Nauubusan na rin anya sila ng mga personal protective equipment at ang mga ward ay ginagamit na rin para sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Ayon kay Ramos, mas makabubuti kung magkakaroon ng ospital na para lamang sa mga pasyenteng may COVID-19 dahil magiging mas epektibo ang pagkontrol sa virus sa ganitong paraan.