Abante Tonite Interactive

150 kilong baboy na apektado ng ASF mula Netherlands pinuslit sa Tuguegarao

0 105

Kinumpiska ng National Meat Inspection Service-Regional Office 1 (NMIS-RO1) ang mahigit 150-kilo na imported frozen meat mula sa bansang Nether­lands na apek­tado ng African Swine Fever (ASF) na ipinuslit sa Tuguegarao City noong Huwebes.

Ayon kay NMIS-RO1 assistant provincial veterinary Dr. Arnulfo Perez, assistant provincial veterinary ng Cagayan, ikinasa ang meat inspection sa Don Domingo Public Market sa nasabing siyudad.

Sinabi ni Perez na agad na iniutos na ibaon agad ang mga nasabat na frozen na karne upang hindi na ito kumalat pa sa merkado.

Sa ulat, sinabi ni Perez na nakumpiska sa dalawang stall sa naturang palengke ang 13 kilo ng imported frozen meat habang 6 karton na may timbang na 138-kilo ang nakumpiska sa bahay ng isang negosyante.

Ang naturang ope­rasyon ay dahil na rin sa sumbong ng publiko ukol sa pagpupuslit ng mga frozen meat na isinasakay sa pampasaherong bus papuntang Cagayan.

Mula Dalton Pass sa pagitan ng Nueva Ecija at Nueva Vizcaya ay idinidiskarga umano ang mga frozen meat at isinasakay sa pribadong sasakyan upang makaiwas sa checkpoint. (Allan ­Bergonia)