Abante Tonite Interactive

150 sultada sa LPC Ulutan — Villanueva

220

Kasado ang may 150 mga sultada para sa mga apisyonado ng sabong sa lalargahan ngayong Fastest Win One-Cock Ulutan at Pitmasters Live sa malamig na Las Piñas Coliseum.

“Bandang alas-10:00 nang umaga ang Fastest Win One-Cock Ulutan ng Fermin and Nilo group,” ani LPC llamador Cris Villanueva.
Isusunod ang semifinals ng World Pitmasters Cup 9-Stag Derby na may higit 100 siyapolan.

May 12 Pitmasters betting stations na ang LPC para sa mga gustong makisali sa mga aksiyon na may libre pang kape.

Samantala, sa Dis­yembre 18 na ang Pamaskong Handog ng 4-Cock Derby ni coliseum manager Alex Tobias.

Katatapos lang ng Bos Rox 4-Stag Derby nitong Oktubre 26 kung saan nagkampeon sina Malou Tanaquin ng UMCGBA at Kon. Dennis Aguilar ng San Gabriel Striker.

Sa mga detalye pa, makipag-ugnayan kina Grace 1, Grace 2 at Julius sa 873 1040, 0929 1800 960, 0939 1376 455 at 0915 3582 076. (Enjel Manato)