Abante Tonite Interactive

1,500 estudyante may summer job sa Maynila

By
23

May 1,500 estudyante ang papasok na sa iba’t ibang summer jobs sa Manila City Hall na tatagal ng 20 araw.

Ayon kay Robin Carlo Reyes, ang officer in charge ng Youth Development and Welfare Bureau ng Maynila, magsisimula sa Abril ang 20 araw na summer job.

Nabatid na sumailalim na kahapon sa orientation ang 1,500 na estudyante na sasailalim sa Special Program for Employment of Students (SPES) na magkatuwang na proyekto ng lokal na pamahalaan ng Maynila at Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Reyes, itatalaga ang mga magsa-summer job na estudyante sa iba’t ibang departamento ng Manila City Hall, alinsunod sa kanilang mga kurso.

Ang 60 porsiyento ng suweldo ng mga summer job student ay magmumula sa City Government of Manila LGU habang 40 porsiyento ay mula sa DOLE.

Ang P4,909 sahod para sa summer job ay sasagutin ng city hall at P3,272.16 ang sa DOLE, na may kabuuang P8,181.60 sa bawat estudyante para sa 20 araw na summer job.