Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1,500 Manilenyo `di pa kumpleto COVID vaccine

0 83

Binigyan ng ultimatum ni Mayor Isko Moreno ang mga indibiduwal na hindi na bumalik para sa pangalawang dose ng kanilang COVID-19 vaccine hanggang kahapon.

Ayon kay Moreno, ito iyong mga indibiduwal na nakatakdang turukan ng pangalawang dose mula Mayo 13 hanggang Hulyo 19 ngayong taon pero hindi na bumalik.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ibibigay na lamang aniya sa ibang interesadong magpabakuna ang nakalaan na COVID-19 vaccine para sa pangalawang dose sana nito.

“May 1,500 out of the 74,000 na nabakunahan ng Pfizer na `di pa bumabalik for some reason which I respect. But you have to get your second dose. Last call na ito,” ani Moreno. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.