Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1,500 OFW umuuwi kada araw

0 181

Inihayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na patuloy ang pag-uwi ng mga overseas Filipino worker (OFW) na apektado ng COVID-19 pandemya.

Sa pulong ng gabinete Martes ng gabi, iniulat ni Lorenzana kay Pangulong Rodrigo Duterte na sa ngayon nasa 310,000 OFW na ang nakauwi at mayroon pang mga dumarating kada araw.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Tuloy-tuloy pa rin ang uwi nila at the rate about I think 1,500 a day,” sabi ng kalihim.

Binanggit pa nito na may mga nag-uuwian ding Pinoy mula sa Sabah.

“Iyon pong ating mga nationals sa Sabah ay mayroon na ulit dumating na 151, dagdag ito sa 9 — 1,986 na dumating na noong isang buwan, a total of 2,137. Mayroon pa hong natitirang 2,863 sa Sabah,” ayon pa kay Lorenzana.

Leave A Reply

Your email address will not be published.