Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1500 sasakyan stranded sa Quezon

0 286

Tinatayang 1,500 sasakyan ang na-stranded matapos bahain ang Maharlika Highway sa Lopez, Quezon dulot ng malakas na pagbuhos ng ulan ng bagyong Pepito.

Nangangamba naman si Local Disaster Risk Reduction Management Office head Francisco Verba na posibleng matengga ng dalawa hanggang tatlong araw ang mga naturang sasakyan.

Ayon kay Mel Avenilla head ng Quezon PDRRMO, nagsimulang tumaas ang tubig baha sa ilang bayan ng Quezon Lunes ng umaga.

Subali’t dakong alas 9:00 ng gabi ay hindi na madaanan ang nasabing bahagi ng highway sa Lopez.

Dahil dito, stranded ang maraming motorista magkabilang dulo ng binahang highway na nasa mahigit isang kilometro din ang haba. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.