Abante Tonite Interactive

1,500 traffic auxiliary itatalaga ngayong Pasko

By
22

Nagsanib-pwersa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at local traffic bureau para sa deployment ng 1,500 traffic auxiliaries upang tumulong sa pagmamantina ng daloy trapiko ngayong Kapaskuhan.

Sa press briefing kahapon, sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia, inaasahang tataas ng 20 porsiyento ang mga behikulong babagtas sa mga lansangan ng Metro Manila kaya asahan aniya ang mas matrapik na daloy ng trapiko.

Kung kaya’t kaila­ngan aniyang may katuwang ang mga enforcer sa pagsasaayos ng trapik sa pamamagitan ng pag-agapay ng mga traffic auxiliaries.

“We need to boost the manpower all over the metropolis. Eighty traffic auxiliaries per city will help manage traffic in critical areas,” ani ni Garcia.

Ang focus aniya ng deployment ay ang mga national roads, Mabuhay Lanes at ang matatrapik na lansangan sa Nobyembre 16 itatalaga ang mga ito.

Umapela rin si Garcia sa LGU na mahigpit na ipatupad sa kanilang nasasakupan ang one-side parking para sa traffic reduction.