Abante Tonite
Mabilis sa Balita

15,430 sa San Juan interesadong magpabakuna

0 107

Nasa 15,430 sa San Juan ang nais magpabakuna ang nakapagpalista sa COVID-19 Vaccination Registration at patuloy pang dumarami ang interesadaong maging bahagi ng vaccination program kaya naman patuloy na nagpapraktis ang mga staff para sa vaccination simulation na posibleng sa Pebrero na.

Nilinaw ni San Juan Mayor Francis Zamora na ang bakuna ay proteksyon hindi lamang para sa sarili kundi pati na rin sa mga mahal sa buhay.

Sinabi pa ni Zamora na aarkila lamang ng cold storage facility ang San Juan City para makamenos sa gastusin.

“We will no longer buy cold storage for the Pfizer vaccines, instead, we are renting because this will be more cost-efficient for our city,” ayon kay Zamora.

Una nang nakipag-ugnayan si Zamora para sa mahihiraman sa cold chain facilities para sa Pfizer COVID-19 vaccines.

Binigyang-diin pa ng alkalde na siya ang unang magpapabakuna sa pagdating ng biniling vaccine mula sa AstraZeneca matapos ang naganap na Tripartite Agreement.

Naglaan ang San Juan ng P50 Million para sa pagbili ng bakuna na maipapamahagi sa mga residente ng San Juan na nais ng kasiguruhan sa kumakalat na coronavirus disease (Covid-19).(Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.