Abante Tonite
Mabilis sa Balita

155 rebelde todas sa 2020 PNP operation

0 53

Umaabot na sa 155 mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang napatay habang 433 naman ang naaresto sa operasyon ng Philippine National Police (PNP) nitong 2020.

Ito ang ibinida ni PNP Directorate for Operation chief Major General Alfred Corpuz kahapon sa press briefing sa Camp Crame kahapon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang 155 na NPA na napatay sa operasyon, ayon kay Corpuz ay mahigit 10 doble sa 15 napatay na NPA noong 2019.

Habang ang 433 naaresto ay malayo kumpara sa 28 naarestong NPA nitong 2019.

Halos dumagsa din ang mga NPA na nagbalik-loob sa pamahalaan matapos magtala ng 3,155 na mga NPA surrenderees ang PNP kumpara naman sa 405 na sumuko noong 2019. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.