Abante Tonite Interactive

157 nasawi sa nag-crash na Boeing 737

226

Walang nakaligtas sa 149 na pasahero at 8 crew na sakay ng bumagsak na B­oeing 737 ng Ethiopian Airlines ilang minuto matapos mag-take off mula sa Addis Ababa.

Patungo sana sa Nairobi, Kenya ang nasabing eroplano na may flight number ET 302, umalis ito sa Bole International Airport alas-8:38 nang umaga ngunit nawalan ng contact dito alas-8:44 Linggo nang umaga, local time.
Natagpuan ang bumagsak na eroplano sa Bishoftu, southeast ng Addis Ababa.

Naglabas naman ng pahayag ang airline at sinabing nagpadala na ito ng staff sa lugar ng insidente para magsagawa ng emergency service. Nagbukas na rin sila ng hotline para sa mga pamilya ng mga biktima.