Abante Tonite Interactive

15k Angkas driver dadaan sa butas ng karayom

227

May 15,000 dri­vers ang isasailalim ng motorcycle ride-hailing firm na Angkas sa pagsasanay bilang preparasyon bago ang pagsisimula ng kanilang anim na buwang ‘pilot test run’ ng kanilang motorcycle taxi service.

“All of our biker-partners go through rigorous riding skills assessments, written tests, and extensive safety training to ensure they meet very high safety standards,” paliwanag ni Angkas regulatory and public affairs head George Royeca sa isang press briefing.

Aniya, sa 27,000 Angkas drivers nila na nasa sistema, 15,000 ang hindi pa sumasailalim sa pagsasanay kaya umaasa sila na makukumpleto hanggang katapusan ng buwan ng Hunyo, at magiging karagdagan na sa kanilang balik operasyon.

“We fail over 70% of applicants to make sure that only the most capable bikers ferry passengers for Angkas,” ayon kay Royeca.

Sinabi ni Royeca, na nasa 2,000 driver ang sumasailalim sa pagsasanay araw-araw at naasahan niyang magsisimula ang kanilang pilot test run ng mga motorcycle taxi sa ikatlo o huling linggo ng Hunyo, at tatagal ito ng anim na buwan.

Magugunitang una nang inaprubahan ng Department of Transportation (DOTr) ang pilot ope­rations ng mga motorcycle taxi sa Metro Manila at Cebu at ito ay magsisimula sa Hunyo. (Dolly Cabreza)