Abante Tonite
Mabilis sa Balita

$15K cash nilusot sa FedEx sinamsam

0 211

Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa FedEx warehouse sa Ninoy Aquino International Aiport (NAIA) ang isang package na may laman $15,700 US dollars kamakalawa ng hapon.

Ayon kay NAIA customs district collector Mimel Talusan, ang package ay dineklarang ‘personal documents’ na galing sa Durham, USA at nakalagak sa nasabing warehouse.

Ang nasamsam na foreign currency ay naka-consigned sa isang residente sa Parañaque City,. Nadiskubre ito sa isinagawang comprehensive X-ray examination sa mga dumating na kargamento sa nabanggit na bonded warehouse.

Sumasailalim na sa seizure and forfeiture proceedings ang nasabing foreign currency dahil sa paglabag sa sections 1400 at 1113 ng RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act na may kaugnayan sa Central Bank Act at BSP Foreign Exchange transaction Manual.

Sinabi pa ni Talusan na ang mga salapi na iligal na pumapasok sa bansa nang walang kaukulang deklarasyon ay nagagamit sa mga iligal na aktibidad. (Otto Osorio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.