Abante Tonite
Mabilis sa Balita

15K posisyon iaalok sa DOLE job fair

0 106

Mahigit 15,000 trabaho sa Pilipinas at abroad ang maaaring aplayan sa ilulunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nationwide job fair ngayong buwan.

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, karamihan sa mga bakanteng trabaho ay mula sa business process outsourcing, manufacturing, sales and distribution, accounting, at services sectors.

Dito sa Pilipinas, 12,598 trabaho ang naghihintay sa mga Pilipino. Karamihan sa mga hinahanap ay mga customer service representative, production worker, sewer, sales associate, salesmen, office staff, helper at kitchen crew.

Sa 2,971 trabaho abroad naman, partikular na sa Kingdom of Saudi Arabia, United Kingdom, Germany, Japan, Kuwait at Qatar, ay naghahanap ng mga registered nurse, baker, auto mechanic, household service worker at kitchen crew.

Isasagawa ang mga face-to-face job fair sa ilang rehiyon, kabilang ang Metro Manila, mula Disyembre 6 hanggang 8.

Habang ang online job fair ay sa Disyembre 8 sa CALABARZON, at sa Disyembre 9 hanggang 13 sa Northern Mindanao. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.