Abante Tonite
Mabilis sa Balita

16 Abu Sayyaf sumuko, armas sinoli

0 111

SUMUKO sa mga sundalo sa Sulu ang nasa 16 miyembro ng Abu Sayyaf.

Ayon kay 11th Infantry Division MGen William N Gonzales, sumuko ang mga ito sa 1101st Infantry Brigade Headquarters sa Sitio Bayog, Brgy Samak, Talipao, Sulu.

Sinabi naman ni 1101Bde Commander BGen Antonio Bautista Jr., na iprisininta ang mga ito kay Gonzales sa simpleng seremonyas sa kanilang localized integration program.

Ang mga sumuko ay nasa ilalim ng ASG sub-leaders na sina Hairula Asbang, Idang Susukan, Apo Mike, Raden Abu, Ben Wagas, Alden Bagadi at Mujib Susukan.

Isinuko rin ng mga ito ang 3 grenade rifles, M203 grenade launcher, caliber .30 bolt action rifle, cal .38 pistol at cal .45 pistol. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.