Abante Tonite
Mabilis sa Balita

16 American, 1 Canadian dinukot sa Haiti

0 82

Kinidnap ng isang grupo sa Haiti ang 17 misyo­naryong American at Canadian national.

Inihayag ng Christian Aid Ministries na 16 sa mga misyonaryo ang US citizen at isa ang Canadian. Kabi­lang umano sa dinukot ay limang lalaki, pitong babae at limang kabataan.

Patuloy pa ang pag-iimbestiga ng mga awtoridad sa Estados Unidos at Haiti hinggil sa insidente na pina­niniwalaang kagagawan ng isang gang.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakikipag-ugnayan na rin umano ang mga awto­ridad ng Haiti sa US State Department at sa Canada.

Nabatid na nasa sasakyan ang mga biktima nang mangyari ang insidente noong Sabado matapos na bisitahin nila ang isang bahay-ampunan sa labas ng Port-au-Prince, ang kapitolyo ng Haiti.

Leave A Reply

Your email address will not be published.