Abante Tonite
Mabilis sa Balita

16-anyos bulagta sa Army vs NPA engkuwentro

0 55

Patay ang isang menor de edad na binatilyo at isang Philippine Army medic sa engkuwentro ng mga tropa ng pamahalaan at rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Negros Occidental noong Martes, Mayo 3, base sa ulat ng Philippine Army kahapon.

Sa report, 16-anyos lang ang binatilyo na napatay nang magkaroon ng engkuwentro ang mga sundalo at rebeldeng grupo sa Sitio Tigmaya, Barangay Gastuslao, Candoni, Negros Occidental.

Tatlong beses nangyari ang engkuwentro matapos na makatanggap ang mga sundalo ng impormasyon mula sa mga residente umano kaugnay sa presensiya ng mga rebelde sa naturang lugar.

Sa unang engkuwentro sumabak ang Alpha Company ng Philippine Army laban sa mga rebelde. Nasundan ito ng dalawa pang engkuwentro sa pagitan ng blocking force ng militar na Scout Platoon at mga rebelde. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.