Abante Tonite
Mabilis sa Balita

16-anyos ginawang sex slave ng stepdad

0 98

Nagwakas na ang ginagawang paglapastangan ng 44-anyos na stepfather sa isang dalagita sa loob ng limang taon makaraang magsumbong ang biktima at ipinaaresto ang suspek sa mga awtoridad sa Quezon City noong Sabado ng hapon.

Itinago na lang sa pangalang Allan ang suspek, na maintenance crew ng isang telecommunication company, upang maikubli ang pagkakakilanlan ng menor de edad na biktima.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Galas Station 11, bandang alas-4:00 ng hapon nang maaresto nina Staff Sergeant Michael Avenis at Patrolman Kevin Operio ang suspek sa tahanan nito sa nasabing lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni Staff Sergeant Karen Detabbali, 2016 pa sinimulang halayin ng suspek ang 16-anyos na stepdaughter sa loob mismo ng kanilang tahanan kapag wala ang ina nito.

Ayon sa ina ng dalagita, nagsumbong ang kanyang anak na matutulog na umano sana sila ng isa pa niyang nakababatang kapatid nang pumasok sa kuwarto ang ka-live in niyang suspek.

SM food to go Banner Ad

Inutusan umano ng suspek ang biktima na sumunod sa kanya at linisin ang sala subalit tumanggi ang dalagita. Nagalit umano ang suspek at hinila ang stepdaughter sa sala at doon hinalay uli.

Nabatid na ang panghahalay umano ng suspek sa stepdaughter ay naging paulit-ulit mula pa noong 2016 hanggang sa kasalukuyan.

Hindi na nakatiis ang dalagita nitong huling ginalaw siya ng suspek at isinumbong na niya ito sa ina.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act No. 8353 (Anti-Rape Law) at RA 7610 laban sa suspek. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.