Abante Tonite
Mabilis sa Balita

16-anyos na tulak, 1 pa timbog sa Marikina

0 290

Arestado ang isang 16-anyos na lalaki at kasabwat nitong 28-anyos nang malambat sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Tumana, Marikina City.

Sa ulat ng Eastern Police District, nakilala ang isa sa mga suspek na si Julian Thatus at menor de edad nitong kasabwat. Inaresto ang dalawa bandang alas-8:30 Huwebes ng gabi sa Kalabasa St., Brgy. Tumana, matapos makatanggap ng tip ang pulisya sa pagbebenta ng droga ng mga ito.

Nakipagtransaksyon ang poseur buyer sa mga suspek at bumili ng shabu, nang maibigay na ang iligal na droga ay pinosasan na ang dalawa. Nakumpiska sa kanila ang apat na plastic sachet na naglalaman ng shabu na nasa 16 gramo ang timbang at nagkakahalaga ng P108,800, P500 buy-bust money.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Women and Child Protection Desk ang menor de edad habang nakakulong naman sa Marikina detention cell ang isa pang suspek. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.