Abante Tonite Interactive

16-anyos ni-rape slay, binalatan ang mukha

1,051

Brutal na pagkamatay ang sinapit ng 16-anyos na dalagita sa Lapu-Lapu City sa lalawigan ng Cebu na natagpuang walang pang-ibabang damit, tadtad ng saksak at kita na ang bungo matapos balatan ang mukha.

Ayon sa Lapu-Lapu Police, posibleng ginahasa muna bago pinatay ang biktimang itinago sa pangalang ‘Rose’, 16, church collector at residente ng Sitio Soong 1 Brgy. Mactan.

Sa inisyal na imbestigasyon, tatlong lalaki ang tinitingnang posibleng nasa likod ng karumal-dumal na krimen. Isang witness umano ang nakakita sa mga suspek na lulan ng motorsiklo at tumangay sa biktima.

Batay sa ulat, dakong alas-kuwatro Linggo nang hapon, nagpunta ang biktima sa Sacred Heart Parish at nangakong bago mag-alas-siyete nang gabi ay uuwi rin ito, subalit hindi na nakabalik pa sa kanilang bahay.

Hinanap si Rose ng kanyang ina hanggang Lunes nang umaga ay nakarating sa kanilang pamilya na may natagpuang bangkay ng babae sa isang bakanteng lote sa Brgy. Bangkal, nang puntahan ay kinumpirma na ito nga ang kanyang anak, na bukod sa halos hindi na makilalang mukha, ay tinadtad pa ng 20 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.