Abante Tonite
Mabilis sa Balita

16-anyos ‘pinulutan’ ng katoma ni tatay

0 287

Mismong sa loob ng kanilang tahanan ginahasa ang 16-anyos na dalagita sa Norzagaray, Bulacan.

Suspek sa krimen ang naging kainuman ng kanyang ama na may maitim palang balak kaya sadyang nilasing ang tatay ng biktima.

SM food to go Banner Ad

Arestado na ng kapulisan ang suspek na isang construction worker. Sa inisyal na imbestigasyon, maaga pa lang kamakalawa ay inaya na ng suspek ang ama ng biktima na mag-inuman sa kanilang bahay. Pero lingid sa kaalaman ng tatay na may masamang plano ang suspek.

Nang malasing ang tatay ay dito na sinamantala ng suspek ang pagkakataon at pinasok ang kuwarto ng dalagita at sinagawa ang panggagahasa. Nang makaraos, umuwi na ang suspek at dito na humingi ng tulong sa pulisya ang biktima na mabilis namang rumesponde kaya nadakip ang suspek na nahaharap sa kasong rape at paglabag sa RA 7610 o child abuse. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.