Abante Tonite
Mabilis sa Balita

16-anyos sinagip sa prostitusyon

0 120

Pinangunahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsagip sa pitong babae, kabilang ang menor de edad mula sa prostitusyon sa Pasay City.

Sa ulat kahapon, nilusob ng NBI Anti-Human Trafficking Division ang isang motel sa lungsod at dinakip ang bugaw diumano na kinilalang si Mark Malban. Dinala umano ng suspek ang 5 babae, at isang 16-anyos.

Ayon sa mga biktima, nangako umano ang suspek na magbibigay ng P5,000 bilang kabayaran kapalit ng prostitusyon.

Depensa naman ng suspek, tinulungan lang diumano niya na magkaroon ng trabaho ang mga babae.

Samantala, sa isa pang entrapment operation sa lungsod, sinagip pa ng NBI ang dalawang babae sa parking area ng parehong motel.

Pawang nagsimula umano ang transaksyon ng prostitusyon sa isang group chat. Sa ngayon, iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang motel kung saan nangyari ang pambubugaw.

Mahaharap naman si Malban sa kasong paglabag sa human trafficking at child abuse.

Leave A Reply

Your email address will not be published.