Abante Tonite
Mabilis sa Balita

16 arnisador may isisiwalat

0 135

Rarampa ang 16 na women gold medalist sa Philippine Sports Commission virtual 7th Women’s Martial Arts Festival 2021 noong Hulyo sa pagpapatuloy ng PSC web series ‘Rise Up, Shape Up’ ngayong Sabado simula sa alas-10:30 nang umaga.

Tatalakayin sa webisode ang national martial arts , kasama si PSC Commissioner Celia Kiram, na magbabahagi naman sa maikling kasaysayan ng arnis sa kanyang regular segment na K-Isport.

Ang mga magkukuwento ng kanilang tagumpay na arnisador ay sina Kristine Petacoste ng Butuan City, Liendzhay Gigante ng Pasig City, Jana Lorraine Quintilla ng Rizal, at iba pa.

“The Women’s Martial Arts Festival held last July 8 to 31, supports the agency’s commitment to strengthening sports and fitness in the country,” ani PSC Chairman William Ramirez Biyernes. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.