Abante Tonite
Mabilis sa Balita

16 call center agent timbog sa sex for sale

0 113

Sinalakay ng mga tauhan ng Optical Media Board (OMB) Enforcement and Investigation Division ang sinasabing tanggapan ng call center at naaresto ang 16 katao na umano’y mga call center agent pero nag-aalok pala ng sex sa mga tumatawag na kliyente sa Tandang Sora, Brgy. Culiat, Quezon City nitong Martes ng gabi.

Ayon sa report ng OMB, bandang alas-8:00 kamakalawa ng gabi nang salakayin nila ang ikalawang palapag ng isang establisimiyento sa Tandang Sora dahil may nag-tip sa kanila na nag-o-operate doon ang isang iligal na business process outsourcing na sinasabing sangkot sa piracy.

Ngunit ang nadatnan nila ay isang cybersex den.

“May element talaga ng cybersex. Nag-offer sila nong kung ano-anong massage, exotic na mga massage. ‘Yong mga kliyente, let’s just say, hindi rin talaga wholesome purpose. Siguro after nila utoin, may nagrereklamo na nauto ‘yong credit card kasi ayaw din nila malaman ng mga kakilala nila [na] they were availing ng mga ganong services,” sabi ni Atty. Cyrus Valenzuela, OMB chief legal officer.

“We are coordinating with the cybercrime division ng PNP. We are trying to get in touch with them kung gusto nila sumali sa terms of prosecuting. We are open to that after payment through credit card, mag-lock na lang bigla?” aniya pa.

SM food to go Banner Ad

Dinakip ng OMB ang anim na kababaihan at 10 lalaki na pawang mga sangkot sa umano’y cybersex activities at credit card phishing scam.

Sinabi ni Valenzuela, kanilang kakasuhan ang mga hindi pinangalanang 16 katao, maging ang mga nangangasiwa ng pekeng call center office, ng paglabag sa RA 9239 Optical Media Act at Anti-Cybercrime Law.

“Una kasi, they are offering massage service and this is not naman the wholesome massage. Offer nila, massage service na may happy ending. Siyempre, [sasabihin ng] kliyente, ‘Kung magpapa-happy ending ako, patingin muna ng itsura mo.’ Papakita sila ngayon ng mga picture na nakahubad. Ganon mga style nila.”

Nakumpiska ng OMB sa nasabing gusali ang mga computer na naglalaman ng mga umano’y ebidensya ng mga iligal na aktibidad. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.