Abante Tonite
Mabilis sa Balita

16 mananaya sa bilyar kinorner

0 348

Kalaboso ng awtoridad ang 16 kalalakihan na pawang mananaya sa larong bilyar na hinaluan ng sugal na poker makaraang magsagawa ng joint anti-illegal gambling operation sa Barangay Duhat, Bocaue, Bulacan kamakalawa.

Base sa report ng Bocaue Police,n akilala ang mga naarestong sina Ronald Gutierrez; Ricky Suderal; Bryan Llyod Alejo; Romnick dela Cruz; Ronel Remotigne; Emilio Begemino; Lorenzo Alipio; Henry Hilario; Erwin Geronimo; John Christopher Bartolome; Roman Manalaysay; Joeven Orquita; Eduardo Gullas; Roberto Timbal; Jon John Tandoc at Jonel Sa Pedro.

Alas-7:30 Martes ng gabi nitong nang makatanggap ng impormasyon ang awtoridad hinggil sa nagaganap na sugalan sa isang bilyaran kaya sinalakay ang lugar. Hindi na nakaporma ang mga suspek nang mahuli sila sa akto ng awtoridad habang nagpupustahan sa larong bilyar. Nakuha dito ang billiard set, isang set ng playing card, at P5,300 cash na taya sa pustahan.

Pawang nakapiit ngayon ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.