Abante Tonite
Mabilis sa Balita

16 senador kinasa balik ABS-CBN

0 175

Umabot na sa 16 na senador ang sumuporta sa panawagang buhayin ang prangkisa ng ABS-CBN.

Ibinigay ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto ang listahan kung saan 15 senador ang gustong maging co-author ng inihain niyang Senate Bill No. 1967 para buhayin ang prangkisa ng network.

Kabilang sa 15 co-author ng panukala ay sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Minority Leader Franklin Drilon, Senador Panfilo Lacson, Sonny Angara, Nancy Binay, Sherwin Gatchalian at Richard Gordon.

Ang iba pa ay sina Senador Lito Lapid, Manny Pacquiao, Joel Villanueva, Risa Hontiveros, Francis Pangilinan, Aquilino `Koko’ Pimentel III at Leila de Lima

Ang mga hindi sumuporta sa panukala ay sina Senador Pia Cayetano, Ronald `Bato’ Dela Rosa, Christopher `Bong’ Go, Imee Marcos, Grace Poe, Ramon `Bong’ Revilla Jr., Francis Tolentino, at Cynthia Villar.

Bagama’t hindi lumagdal sa panukala, sinabi ni Poe na bibigyan niya ng higit na prayoridad ang Senate Bill No. 1967 oras na mai-refer sa Senate committee on public services na kanyang pinamumunuan.

“Given the crippling effects of the ABS-CBN shutdown and the need for more news outlets with the widest reach during the raging pandemic, the issue will be given utmost priority as soon as it is referred to the Committee on Public Service,” sabi ni Poe. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.