Abante Tonite
Mabilis sa Balita

16 timbog sa birthday party

0 53

Arestado ang 16 katao sa Taguig City nang isumbong sa Facebook page ng Joint Task Force (JTF) COVID Shield ang kanilang ginawang paglabag sa quarantine protocol matapos na mag-inuman sa kalsada dahil sa ginawang birthday celebration.

Nabatid kay JTF COVID Shield Commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, na sa kahabaan ng Aguirre Street, Lower Bicutan naganap nitong Setyembre 12 ang pagdirwang ng mga inaresto.

Kinilala ang ito sina Ralph Cruz, 19; Nichole Cruz, 21; Michael Quijou, 21; Christian Pregil, 21; Paul Belarmino, 21; Ian Augala, 21; Enen Sison, 21; Jojo Angala, 39; Jackie Bosque, 37; Franz Pascua, 19; Monica Reyes, 19; Kevin John de Guzman, 23; Ivan Pacete, 21; Gabriel Inserto, 21;, Mark Anthony Ortigas, 21; at isang 17-anyos na dalagita.

Ayon kay Eleazar, isang concerned citizen ang nagsumbong sa insidente kasama ang mga litrato ng inuman sa kalsada na ipinost sa Facebook page ng task force. Agad namang nagtungo ang Hagonoy Police Sub Station 9 sa lugar at doon naabutan ang mga suspek na walang suot na face mask at walang social distancing.

Sasampahan ang mga nahuli ng mga kasong paglabag sa ordinansa ng pag-inom sa pampublikong lugar at resistance and disobedience to a person of authority.

Ito umano ang unang pag-aresto na may kinalaman sa quarantine violation ayon pa kay Eleazar. Hinikayat din niya ang lahat na iulat sa mg awtoridad ang mga paglabag na nangyayari sa kani-kanilang mga lugar. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.